Sariwain natin ang kahapon.
I do hope makaka relate kayo.
O baka may idadagdag pa kayo?
enjoy reminiscing!!!!
: Ang Pagbabalik ng Masayang Kahapon
Those were the the good old days. This is really true
Im sure lahat tayo na experience natin ito. masarap isipin di ba? pero mahirap na ibalik. masya pa rin tayo ngayon of course those where the days nga masarap alalahanin. so read on. . . Its really nice.
Noong araw si Nanay ay laging nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan at nakahanda na ang aming me-meriendahin; Halos walang mga bakod ang magkakapit-bahay, kung meron man gumamela lang; Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
5 piso lang ang baon: 2.50 sa umaga, 2.50 sa hapon; Merong 'Free' ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo. Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala. Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro.Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams; Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak... Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana; Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at Darigold na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan); sumpak, pilatok, boca-boca, borador, stik-na-siato, takbuhang agawang-Base, atbp. Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon. Maraming usong laro at maraming kasali: lastiko, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli ng tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo; Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin; Namumugalgal ang pundiya ng karsolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa. Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high tech.. di ba minsan nangarap ka na rin .. mas masaya noong araw! Sana pwedeng maibalik... Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob ... Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola, at minsan sa Titser o Principal sa eskwela !. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara ... Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo... Balik tayo sa nakaraan kahit saglit .. Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang mga online games, dota at mga PSP. Tayo noon ... Doon... Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan; Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator. Yung iba, meron lang Abacus . Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa kama; Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae; Inaasbaran ng mga suberbiyo ang usansiya; Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman, bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy, banana-cue o pandesal noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng lukaok, susuwi at espada? Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata ..... Estigo santo kapag nagmamano. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng-kabayo, o biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya Nougat o Karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat; Purico ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy na pang sinaing din ng bigas. Madami pa... Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan, ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo, ang duhat kapag inalog sa asin, ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog; Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan... May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk. Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala ng sasaya at gaganda pa sa panahon na yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon... Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"... Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen, Haw haw the carabao, batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman; Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong Skyflakes at Royal sa tabi. Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
And those were the good old days, my friend, na hindi na magbabalik! BUT.....PUEDENG GAWIN! PAPAANO? BY LIVING SIMPLY AND GOING BACK TO BASICS!
Tanda na ni maestro ano?
by maestro pinoy
Friday, July 11, 2008
Thursday, July 10, 2008
ANG PULUBI SA KANTO
Buwan ng Mayo, matindi ang sikat ng araw, halos lahat ng tao ay nagrereklamo sa tindi ng sikat ng araw. Halos tumulo ang aking laway sa inggit sa mga bahay na naka”airconditioned”. Napagdesisyunan ko na lumabas ng aming bahay upang magpalamig sa isang mall. Sa aking paglalakad may napuna ako, isang matandang lalake na gusgusin. Marami siyang dalang gamit katulad ng plastic, lata, karton at mga punit-punit na tela. Isang sulyap ang aking ginawa sa kanya at ako’y dirediretso ng lumakad patungo sa mall. Nang ako ay nakapasok na sa mall, napawi ng bahagya ang init na aking nararamdaman. Halos dalawang oras akong nagtagal. Ayoko pa sanang umalis ngunit nagtext ang nanay ko na umuwi na ako dahil dumating ang mga tiyahin ko. Nang ako’y malapit ng muli sa aming kanto, naroroon pa rin ang matandang gusgusin. Nakabilad sa araw at halos mabasa ng pawis ang kayang damit. Wala naman siyang ginagawa, nakaupo lang at nakatingin sa kawalan. Hindi ako nakatiis at akin siyang nilappitan upang magtanong. “Manong, ang init-init po, bakit nakabilad kayo dito? Bakit hindi po kayo sumilong sa lilim?” Isang mahinang salita ang kanyang binitawan. “Ineng, ako’y isang pulubi lamang”. Hindi na ako sumagot, iniwan ko na lamang siya. Habang ako ay naglalakad pauwi, hindi mawaglit sa aking isipan ang isinagot ng matanda. Marahil gustuhin man niya na pumasok sa mall hindi maaari dahil hindi naman siya papapasukin ng gwardiya. Gustuhin man niyang sumilong sa isang lilim, may posibilidad na siya ay bawalan pa rin dahil siya’y isang pulubi lamang. Naitanong ko sa aking sarili na wala na bang karapatan ang isang pulubi sa isang lipunan? Masuwerte pa pala ako.
-Dyren Joyce D. Dungca
AB COMM 2-1
-Dyren Joyce D. Dungca
AB COMM 2-1
Ang Pusa Mo
Isang gabi habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay si Karina nakasalubong niya ang isang pusa…isang pusang itim. Nakatingin ito sa kanya na parang galit, na parang ninakawan ng sampung mga tinik at dahan-dahang ibinubuka ang kanyang mga bibig. Napahinto sa paglalakad si Katrina, nagulat sa kanyang nakita-- sa mga matang nanlilisik na nakatingin sa kanya. Nang pagtingin niya sa mga mata ng pusa nagulat siya ngunit hindi nagtagal ang kanyang takot sa pusang itim na iyon dahil si Karina ang tipong hindi madaling kapitan ng takot. Kaya imbis na matakot siya sa nanlilisik na mga mata ng pusa nakipagtitigan pa siya rito. Nagtitigan ang dal’wa, sampung minuto ang lumipas nagtititigan parin sila, limang minuto pa ang lumipas nagtititigan parin sila dumaan na at lahat ang isang traysikel nagtititigan parin sila. Ganung katindi si Karina. Isang taong malakas ang loob. Lumipas pa ang tatlong minuto ng biglang nahimatay ang pusa. Bagsak ang kalaban, knock-out. Panalo si Pacquiao este si Karina. ‘Di na nakayanan ng powers ng pusa na makipagtitigan. (Sa tototo nan wala namang kapangyarihan si Karina nagkataon lang na sa sobrang gutom ng itim na pusa napatitig ito sa nagdaan na si Karina at sa sobrang gutom nahimay ang pusa. At ayon ang istorya nun.hehe)
Balik sa totoong buhay ng istorya. Nagpatuloy sa paglalakad si Karina. Napagod at nagutom siya sa pakikipagtitigan kaya tumigil muna siya sa tindahan ni Aling Nena. Bumili siya ng isang litrong mineral water at isang paketeng Marie biscuit. Sa sobrang gutom niya naubos niya ito sa loob ng limang minuto. Pang-guiness. Future title holder ito. Sino ng ba talaga si Karina? Babae ba talaga siya o lalaki? May kapangyarihan ba talaga siya o wala? Gusto mo na bang malaman ang mga sagot sa mga katanungang ito. Kung interesado ka hayaan mo lang ipagpatuloy ang pagbababasa nito kung ayaw mo naman hintayin mo nalang ang ‘red card’ (you’ll be dead, F4). O isip na, meron kang isang segundo. Tagal mo…ikukwento ko na.
Si Karina ay lumaki sa isang lugar kung saan normal naman ang lahat. Normal naman ang kaniyang lolo, lola, ama, ina, kapatid, pinsan, pamangkin, kaibigan, kasambahay, kapit-bahay, at kalayong-bahay. Si Karina ay bunso sa tatlong magkakapatid at nag-iisang anak ni Mang Andres at Manang Karmen. Lumaki si kapaligiran na puro lalaki kaya nagging kilos lalaki narin siya ng konti. Konti pa lang naman. Siya ang kilabot ng Barangay Lambot. Medyo siga kung maglakad at kung manamit naman ay pantalon at simpleng t-shirt lang. Simula pa lang ng pagkabata hilig na niya ang maglaro ng holen, robot at magpatakbo ng maliliit na sasakyan. Nasanay siya sa mabilisan at madamihang pagkain ngunit hindi naman siya tumataba. Mahilig si karina sa mga bagay na kakaiba. Si Karina ay 20 taong gulang at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang fast-food chain. Katulad nga sinabi ko kanina wala naman talagang kapangyarihan si Karina, nagkataon lang na nakasalubong niya ang pusang maitim, adik at wala sa sarili lalo na kung gutom. At dyan natatapos ang kwento. Hanggang dito nalang ha…paalam.
Isang paalala: Mag-ingat sa pusang adik. :)
Posted By: Joema M. Magsino
AB Comm 2-1

Wednesday, July 9, 2008
O.R.A.S
Hapon na. Kakagising ko lang. Nagpunta ako sa mga pinsan ko para sana makipagkwentuhan pero nauwi lang naman sa yayaan 'yun. Sinama niya ko sa isang party yata yon. 'wag na daw ako magbihis nang bongga kase simple lang daw mga tao dun. Pinalitan ko lang ang shorts na suot ko noon at presto, umalis na kami.Sandali lamang ang biyahe papunta doon. Pero pagdating namin don ay talaga namang nagulat ako sa nakita ko. Madaming sasakyan. Mayayaman siguro ang mga tao sa loob naisip ko. Nakakasama ng loob dahil hindi kagandahan ang isinuot ko. Pagtuloy namin sa loob, may nakita akong grupo nang mga lalaki. Gwapo sa tingin ko. Pero may isang pumukaw sa atensyon ko. Si Rovin. Mukha syang mabait. At hindi ako nagkamali don. Tuluy-tuloy ang party. Masaya. Sobrang saya. Siguro dahil nandun si Rovin. Matatapos na ang party, at nakakaramdam ako ng panghihinayang. Sana ay matagal pa kami magkasama ni Rovin. pero kailangan na talaga naming umalis. Nagpaalam na ako sa kanya. Mabigat sa loob isipin na hindi na kami magkikita pa.Sa bahay ay buong magdamag kong inalala lahat ang magagandang tagpo sa party na yon. hay. Napakalungkot na sandali.Kinabukasan, sa skul, sina;lubong ako ang kaklase ko. Kaibigan sya ni Rovin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi nya sa'kin. Kinukuha daw nya ang number ko. At masaya din syang nakilala nya ko. Ayokong maniwala pero yun daw ang totoo. Sobrang saya ko.Lumipas pa ang mga araw. Maraming nagbago. Pati relasyon ko kay Rovin ay nagbago na din.Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon meron kami dalawa, basta ang alam ko, masaya akong kasama sya at ganun din sya sa'kin. Minahal ko sya, kahit alam kong mali. Kahit alam kong labag yon sa mga magulang ko. Ganun talaga siguro ang puso. Mahirap turuan. Kahit alam na masasaktan. Sige lang. Pinaramdam nya sa'kin kung paano mahalin. Nakakatakot isipin na matatapos din ang mga oras na yon.Patuloy ang mga araw. Dumating ang panahong hindi ko sya maramdaman. Oo, magkalayo kami. Pero ibang-iba na sya. Hindi ko alam kung mahal pa ba nya ko o ako na lamang ang nag-iisip nang bagay na yon.Hanggang isang araw, dumating na ang pinaka-kinata-takutan ko sa lahat. Ang araw na iiwan nya ko. Ang araw na sabihin nyang hindi na nya ko mahal. Sobrang sakit. Hindi kapani-paniwala. Parang dati ganun kami kasaya, pero ngayon ganito na lang.Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang masaya. Nang hindi ko na sya iisipin. Mahal na mahal na mahal ko sya. Paano nya ko nagawang saktan na ganun na lamang. Pero kailangan kong mabuhay. Hindi ko dapat isipin na sya ang buhay ko. Hindi ko dapat isipin na nabuhay ako dahil sa kanya. Mahirap simulan dahil nasanay akong kasama sya. Pero pinilit ko.Isa, dalawa, tatlo, apat na buwan. Masakit pa rin sa'kin ang ginawa nya. Bakit ganon? kahit saan ako lumingon, sya pa din nakikita ko. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba sya o habambuhay na ang sakit sa puso ko.Isa, dalawang taon. Heto na ako ngayon. Pagkatapos nang isang mabigat at masakit na kahapon, nagawa ko pa ring kalimutan ang sakit na dinulot non. Mahirap mabuhay sa kahapon kaya't kahit mahirap ay pinilit kong kalimutan lahat-lahat. Oras lang talaga ang makakapasabi kung kelan ka magiging masaya. Kung kelan ka magiging malungkot. Kung kelan ka masasaktan. At kung kelan ka makakalimot sa masasakit na alaalang yon.Ngayon, masaya na ko. Tanggap kong na na may mga bagay talagang hindi para sa atin. Dapat tayong mamulat na hindi tayo nabubuhay para sa isang tao lamang. Laging may bukas at oras na magsasabing panahon na para sumaya muli tayo.
Crissa Eglantine Punzalan
AB COMM 2-1
Crissa Eglantine Punzalan
AB COMM 2-1
Pangarap
Malayo pa lang ay naulinigan na ni Gellie ang boses ng kanyang ama.tulad ng dati hawak ang bote ng alak kasama ang mga kainuman nito na lango na rin sa alak. Namataan sya nito at tinawag. Ayaw nyang pumunta dito dahil ayaw nyang mkipagusap sa mga lasing ngunit pilit sya ng kanyang ama kinaladkad sya nito patungo sa umpukan ng mga lasing.
Sinabi ng ama sa harap ng kanyang mga kainuman na pinagaaral niya ang kanyang sarili at parang yumabang na ito sa paningin ng ama.Totoo na mang pinagaaral nya ang kanyang sarili ngunit mali ang iniisi ng ama nito tungkol sa kanya. Sinabi pa ng ama nya na magaasawa lamang ito pagkatapos magaral ngunit hindi sya ganun may pangarap siya sa buhay at ito'y ang makatapos ng pagaaral at magkaroon ng magandang buhay.
Hindi naman dating ganun ang ama. Namimiss na nya ang dating ugali ng ama.Ang mga ngiti nito at halakhak. Ibang iba na ang kanyang ama kung ngumiti man ito ay may halong pait.Dala nga ba ito ng matinding pagkasawi sa pangarap nito sa kanyang ate.Inakala ng ama na ang kanyang ate ang magaahon sa kanila sa kahirapan.Nasaksihan nya ang galit ng ama ng malaman nito na ito'y nagasawa na. Naisip ni Gellie na kaya ganito ang ama sa kanyang ay dahil sa baka ulitin nya ang pagkakamaling nagawa ng kanyang ate.
Nasasaktan sya sa bawat salitang binibitiwan ng kanyang ama sa kanya.Tila ito'y walang bilib ito sa kanya. Luha na lamang ang naitutugon nya sa lahat ito.Sumapit ang kanyang ika labing walong kaarawan nya.pumunta ang kanyang kaibigan na si Billy sa kanilang bahay upang siya'y batiin ng personal,gaya ng dati gawi ng kanyang ama ito'y nagiinom.Matalim ang tingin ng kanyang ama kay Billy. Nagtanong ang kanyang ama sino ito, sinabi nya ang totoo ngunit ayaw nitong maniwala sa kanya.Nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ni Gellie at ng kanyang ama.Sa wakas ay nabulalas ni Gellie ang kanyang mga sama ng loob sa kanyang ama,sinabi nya ang mga salitang noon pa nya nais sabihin dito.Napatulala sa hangin ang kanyang ama hindi nya inaakala na sasabihin ito ng kanyang anak sa kanya.Ito ang unang pagkakataon na narinig nya ang kanyang anak na nagpahayag ng saloobin nito sa kanya.
Napagisip isip ng ama na tama ang kanyang anak naging mahina sya at dahil dito hindi nya nagampanan ang tungkulin nito kay Gellie bilang isang ama.Kaya't kinausap nya ito at humingi sya ng patawad.Nagkapatawaran ang magama.Panahon na upang itama ang mga mali ar punan ang mga nagkulang na sandali.
sinulat ni :shena mae
abcomm2-1

Hapon na. Kakagising ko lang. Nagpunta ako sa mga pinsan ko para sana makipagkwentuhan pero nauwi lang naman sa yayaan 'yun. Sinama niya ko sa isang party yata yon. 'wag na daw ako magbihis nang bongga kase simple lang daw mga tao dun. Pinalitan ko lang ang shorts na suot ko noon at presto, umalis na kami.
Sandali lamang ang biyahe papunta doon. Pero pagdating namin don ay talaga namang nagulat ako sa nakita ko. Madaming sasakyan. Mayayaman siguro ang mga tao sa loob naisip ko. Nakakasama ng loob dahil hindi kagandahan ang isinuot ko. Pagtuloy namin sa loob, may nakita akong grupo nang mga lalaki. Gwapo sa tingin ko. Pero may isang pumukaw sa atensyon ko. Si Rovin. Mukha syang mabait. At hindi ako nagkamali don. Tuluy-tuloy ang party. Masaya. Sobrang saya. Siguro dahil nandun si Rovin. Matatapos na ang party, at nakakaramdam ako ng panghihinayang. Sana ay matagal pa kami magkasama ni Rovin. pero kailangan na talaga naming umalis. Nagpaalam na ako sa kanya. Mabigat sa loob isipin na hindi na kami magkikita pa.
Sa bahay ay buong magdamag kong inalala lahat ang magagandang tagpo sa party na yon. hay. Napakalungkot na sandali.
Kinabukasan, sa skul, sina;lubong ako ang kaklase ko. Kaibigan sya ni Rovin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi nya sa'kin. Kinukuha daw nya ang number ko. At masaya din syang nakilala nya ko. Ayokong maniwala pero yun daw ang totoo. Sobrang saya ko.
Lumipas pa ang mga araw. Maraming nagbago. Pati relasyon ko kay Rovin ay nagbago na din.
Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon meron kami dalawa, basta ang alam ko, masaya akong kasama sya at ganun din sya sa'kin. Minahal ko sya, kahit alam kong mali. Kahit alam kong labag yon sa mga magulang ko. Ganun talaga siguro ang puso. Mahirap turuan. Kahit alam na masasaktan. Sige lang. Pinaramdam nya sa'kin kung paano mahalin. Nakakatakot isipin na matatapos din ang mga oras na yon.
Patuloy ang mga araw. Dumating ang panahong hindi ko sya maramdaman. Oo, magkalayo kami. Pero ibang-iba na sya. Hindi ko alam kung mahal pa ba nya ko o ako na lamang ang nag-iisip nang bagay na yon.
Hanggang isang araw, dumating na ang pinaka-kinata-takutan ko sa lahat. Ang araw na iiwan nya ko. Ang araw na sabihin nyang hindi na nya ko mahal. Sobrang sakit. Hindi kapani-paniwala. Parang dati ganun kami kasaya, pero ngayon ganito na lang.
Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang masaya. Nang hindi ko na sya iisipin. Mahal na mahal na mahal ko sya. Paano nya ko nagawang saktan na ganun na lamang. Pero kailangan kong mabuhay. Hindi ko dapat isipin na sya ang buhay ko. Hindi ko dapat isipin na nabuhay ako dahil sa kanya. Mahirap simulan dahil nasanay akong kasama sya. Pero pinilit ko.
Isa, dalawa, tatlo, apat na buwan. Masakit pa rin sa'kin ang ginawa nya. Bakit ganon? kahit saan ako lumingon, sya pa din nakikita ko. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba sya o habambuhay na ang sakit sa puso ko.
Isa, dalawang taon. Heto na ako ngayon. Pagkatapos nang isang mabigat at masakit na kahapon, nagawa ko pa ring kalimutan ang sakit na dinulot non. Mahirap mabuhay sa kahapon kaya't kahit mahirap ay pinilit kong kalimutan lahat-lahat. Oras lang talaga ang makakapasabi kung kelan ka magiging masaya. Kung kelan ka magiging malungkot. Kung kelan ka masasaktan. At kung kelan ka makakalimot sa masasakit na alaalang yon.
Ngayon, masaya na ko. Tanggap kong na na may mga bagay talagang hindi para sa atin. Dapat tayong mamulat na hindi tayo nabubuhay para sa isang tao lamang. Laging may bukas at oras na magsasabing panahon na para sumaya muli tayo.

Subscribe to:
Comments (Atom)