Wednesday, July 9, 2008

O.R.A.S

Hapon na. Kakagising ko lang. Nagpunta ako sa mga pinsan ko para sana makipagkwentuhan pero nauwi lang naman sa yayaan 'yun. Sinama niya ko sa isang party yata yon. 'wag na daw ako magbihis nang bongga kase simple lang daw mga tao dun. Pinalitan ko lang ang shorts na suot ko noon at presto, umalis na kami.Sandali lamang ang biyahe papunta doon. Pero pagdating namin don ay talaga namang nagulat ako sa nakita ko. Madaming sasakyan. Mayayaman siguro ang mga tao sa loob naisip ko. Nakakasama ng loob dahil hindi kagandahan ang isinuot ko. Pagtuloy namin sa loob, may nakita akong grupo nang mga lalaki. Gwapo sa tingin ko. Pero may isang pumukaw sa atensyon ko. Si Rovin. Mukha syang mabait. At hindi ako nagkamali don. Tuluy-tuloy ang party. Masaya. Sobrang saya. Siguro dahil nandun si Rovin. Matatapos na ang party, at nakakaramdam ako ng panghihinayang. Sana ay matagal pa kami magkasama ni Rovin. pero kailangan na talaga naming umalis. Nagpaalam na ako sa kanya. Mabigat sa loob isipin na hindi na kami magkikita pa.Sa bahay ay buong magdamag kong inalala lahat ang magagandang tagpo sa party na yon. hay. Napakalungkot na sandali.Kinabukasan, sa skul, sina;lubong ako ang kaklase ko. Kaibigan sya ni Rovin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi nya sa'kin. Kinukuha daw nya ang number ko. At masaya din syang nakilala nya ko. Ayokong maniwala pero yun daw ang totoo. Sobrang saya ko.Lumipas pa ang mga araw. Maraming nagbago. Pati relasyon ko kay Rovin ay nagbago na din.Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon meron kami dalawa, basta ang alam ko, masaya akong kasama sya at ganun din sya sa'kin. Minahal ko sya, kahit alam kong mali. Kahit alam kong labag yon sa mga magulang ko. Ganun talaga siguro ang puso. Mahirap turuan. Kahit alam na masasaktan. Sige lang. Pinaramdam nya sa'kin kung paano mahalin. Nakakatakot isipin na matatapos din ang mga oras na yon.Patuloy ang mga araw. Dumating ang panahong hindi ko sya maramdaman. Oo, magkalayo kami. Pero ibang-iba na sya. Hindi ko alam kung mahal pa ba nya ko o ako na lamang ang nag-iisip nang bagay na yon.Hanggang isang araw, dumating na ang pinaka-kinata-takutan ko sa lahat. Ang araw na iiwan nya ko. Ang araw na sabihin nyang hindi na nya ko mahal. Sobrang sakit. Hindi kapani-paniwala. Parang dati ganun kami kasaya, pero ngayon ganito na lang.Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang masaya. Nang hindi ko na sya iisipin. Mahal na mahal na mahal ko sya. Paano nya ko nagawang saktan na ganun na lamang. Pero kailangan kong mabuhay. Hindi ko dapat isipin na sya ang buhay ko. Hindi ko dapat isipin na nabuhay ako dahil sa kanya. Mahirap simulan dahil nasanay akong kasama sya. Pero pinilit ko.Isa, dalawa, tatlo, apat na buwan. Masakit pa rin sa'kin ang ginawa nya. Bakit ganon? kahit saan ako lumingon, sya pa din nakikita ko. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba sya o habambuhay na ang sakit sa puso ko.Isa, dalawang taon. Heto na ako ngayon. Pagkatapos nang isang mabigat at masakit na kahapon, nagawa ko pa ring kalimutan ang sakit na dinulot non. Mahirap mabuhay sa kahapon kaya't kahit mahirap ay pinilit kong kalimutan lahat-lahat. Oras lang talaga ang makakapasabi kung kelan ka magiging masaya. Kung kelan ka magiging malungkot. Kung kelan ka masasaktan. At kung kelan ka makakalimot sa masasakit na alaalang yon.Ngayon, masaya na ko. Tanggap kong na na may mga bagay talagang hindi para sa atin. Dapat tayong mamulat na hindi tayo nabubuhay para sa isang tao lamang. Laging may bukas at oras na magsasabing panahon na para sumaya muli tayo.

Crissa Eglantine Punzalan
AB COMM 2-1

No comments: