Malayo pa lang ay naulinigan na ni Gellie ang boses ng kanyang ama.tulad ng dati hawak ang bote ng alak kasama ang mga kainuman nito na lango na rin sa alak. Namataan sya nito at tinawag. Ayaw nyang pumunta dito dahil ayaw nyang mkipagusap sa mga lasing ngunit pilit sya ng kanyang ama kinaladkad sya nito patungo sa umpukan ng mga lasing.
Sinabi ng ama sa harap ng kanyang mga kainuman na pinagaaral niya ang kanyang sarili at parang yumabang na ito sa paningin ng ama.Totoo na mang pinagaaral nya ang kanyang sarili ngunit mali ang iniisi ng ama nito tungkol sa kanya. Sinabi pa ng ama nya na magaasawa lamang ito pagkatapos magaral ngunit hindi sya ganun may pangarap siya sa buhay at ito'y ang makatapos ng pagaaral at magkaroon ng magandang buhay.
Hindi naman dating ganun ang ama. Namimiss na nya ang dating ugali ng ama.Ang mga ngiti nito at halakhak. Ibang iba na ang kanyang ama kung ngumiti man ito ay may halong pait.Dala nga ba ito ng matinding pagkasawi sa pangarap nito sa kanyang ate.Inakala ng ama na ang kanyang ate ang magaahon sa kanila sa kahirapan.Nasaksihan nya ang galit ng ama ng malaman nito na ito'y nagasawa na. Naisip ni Gellie na kaya ganito ang ama sa kanyang ay dahil sa baka ulitin nya ang pagkakamaling nagawa ng kanyang ate.
Nasasaktan sya sa bawat salitang binibitiwan ng kanyang ama sa kanya.Tila ito'y walang bilib ito sa kanya. Luha na lamang ang naitutugon nya sa lahat ito.Sumapit ang kanyang ika labing walong kaarawan nya.pumunta ang kanyang kaibigan na si Billy sa kanilang bahay upang siya'y batiin ng personal,gaya ng dati gawi ng kanyang ama ito'y nagiinom.Matalim ang tingin ng kanyang ama kay Billy. Nagtanong ang kanyang ama sino ito, sinabi nya ang totoo ngunit ayaw nitong maniwala sa kanya.Nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ni Gellie at ng kanyang ama.Sa wakas ay nabulalas ni Gellie ang kanyang mga sama ng loob sa kanyang ama,sinabi nya ang mga salitang noon pa nya nais sabihin dito.Napatulala sa hangin ang kanyang ama hindi nya inaakala na sasabihin ito ng kanyang anak sa kanya.Ito ang unang pagkakataon na narinig nya ang kanyang anak na nagpahayag ng saloobin nito sa kanya.
Napagisip isip ng ama na tama ang kanyang anak naging mahina sya at dahil dito hindi nya nagampanan ang tungkulin nito kay Gellie bilang isang ama.Kaya't kinausap nya ito at humingi sya ng patawad.Nagkapatawaran ang magama.Panahon na upang itama ang mga mali ar punan ang mga nagkulang na sandali.
sinulat ni :shena mae
abcomm2-1
Wednesday, July 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment