Thursday, July 10, 2008

ANG PULUBI SA KANTO

Buwan ng Mayo, matindi ang sikat ng araw, halos lahat ng tao ay nagrereklamo sa tindi ng sikat ng araw. Halos tumulo ang aking laway sa inggit sa mga bahay na naka”airconditioned”. Napagdesisyunan ko na lumabas ng aming bahay upang magpalamig sa isang mall. Sa aking paglalakad may napuna ako, isang matandang lalake na gusgusin. Marami siyang dalang gamit katulad ng plastic, lata, karton at mga punit-punit na tela. Isang sulyap ang aking ginawa sa kanya at ako’y dirediretso ng lumakad patungo sa mall. Nang ako ay nakapasok na sa mall, napawi ng bahagya ang init na aking nararamdaman. Halos dalawang oras akong nagtagal. Ayoko pa sanang umalis ngunit nagtext ang nanay ko na umuwi na ako dahil dumating ang mga tiyahin ko. Nang ako’y malapit ng muli sa aming kanto, naroroon pa rin ang matandang gusgusin. Nakabilad sa araw at halos mabasa ng pawis ang kayang damit. Wala naman siyang ginagawa, nakaupo lang at nakatingin sa kawalan. Hindi ako nakatiis at akin siyang nilappitan upang magtanong. “Manong, ang init-init po, bakit nakabilad kayo dito? Bakit hindi po kayo sumilong sa lilim?” Isang mahinang salita ang kanyang binitawan. “Ineng, ako’y isang pulubi lamang”. Hindi na ako sumagot, iniwan ko na lamang siya. Habang ako ay naglalakad pauwi, hindi mawaglit sa aking isipan ang isinagot ng matanda. Marahil gustuhin man niya na pumasok sa mall hindi maaari dahil hindi naman siya papapasukin ng gwardiya. Gustuhin man niyang sumilong sa isang lilim, may posibilidad na siya ay bawalan pa rin dahil siya’y isang pulubi lamang. Naitanong ko sa aking sarili na wala na bang karapatan ang isang pulubi sa isang lipunan? Masuwerte pa pala ako.


-Dyren Joyce D. Dungca
AB COMM 2-1

3 comments:

dennis said...

tama ka dapat pulubi narin ako para kaawan mo.pwedi ba sumilong sa inyo.di lahat pulubi mabait.kaya dun sila dapat.kung tama man ang sagot ng pulubi sayo.tsamba un!di lahat matinong kausap mabait!eh sa palagay mo kung ipasok mo sya sa mall di sya magnakaw?kung matino sya maligo sya hanap sya trabaho,hindi trabaho hahanap sa kanya.kaya dun sya kasi tamad sya.at ska di lahat ng di nakapag aral di makahanap ng trabaho.kung san sya nababagay sa maabot sa kanyang kakayahan.kargador pde sya contraksyon,karpentero at marami pa.

dennis said...

kung ang lahat ng kaawawa ay kaawaan!marami ang magpapakaawa.tulad ng pulubi isisilong mo ba sya sa bahay mo?kahit paligo di nya kaya!tulad ng isang tao kung ayaw nya magpapagalang gagalangin mo?lahat ng gusto magpa ampon ampunin mo?lahat ba ng nagugutom pakainin mo?subalit ikaw mismo subsob sa trabaho napapagalitan ng amo!mismo pulubi walang awa sayo o tutulong sa gawain mo!buti pa mag alaga ka nalang ng aso babantayan ka pa.kay sa tao nanakawan kapa papatayin kapa kunin lang ung kayamanan mo.at siyay mag sya syabu.at mag rarugbi.

dennis said...

marami sa ngayon ang dapat kaawaan.ihambing ko sa isang pamilya.binubuo ng ina ama at anak.ang awa na maiibigay mo ay ang iyong resposibilidad bilang tungkulin mo na gampanan ang pag papalaki sa iyong mga anak.pagtugon sa mga pangangailangan.maawa ka sa mga taong may kapansanan,isa pa bilang tumingin ka ng utang na loob saiyong mga magulang.ang awa depende sa sitwasyon di lahat ng kaawa awa ay kawawa!ok!maliban lamana kung subra subra ang yong kita pde mo itong ipamudmod sa mga nangangailangan.kaawaan mo ang may sakit hindi ang pulubi!kasi sila lahat asa sa darating.