Isang gabi habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay si Karina nakasalubong niya ang isang pusa…isang pusang itim. Nakatingin ito sa kanya na parang galit, na parang ninakawan ng sampung mga tinik at dahan-dahang ibinubuka ang kanyang mga bibig. Napahinto sa paglalakad si Katrina, nagulat sa kanyang nakita-- sa mga matang nanlilisik na nakatingin sa kanya. Nang pagtingin niya sa mga mata ng pusa nagulat siya ngunit hindi nagtagal ang kanyang takot sa pusang itim na iyon dahil si Karina ang tipong hindi madaling kapitan ng takot. Kaya imbis na matakot siya sa nanlilisik na mga mata ng pusa nakipagtitigan pa siya rito. Nagtitigan ang dal’wa, sampung minuto ang lumipas nagtititigan parin sila, limang minuto pa ang lumipas nagtititigan parin sila dumaan na at lahat ang isang traysikel nagtititigan parin sila. Ganung katindi si Karina. Isang taong malakas ang loob. Lumipas pa ang tatlong minuto ng biglang nahimatay ang pusa. Bagsak ang kalaban, knock-out. Panalo si Pacquiao este si Karina. ‘Di na nakayanan ng powers ng pusa na makipagtitigan. (Sa tototo nan wala namang kapangyarihan si Karina nagkataon lang na sa sobrang gutom ng itim na pusa napatitig ito sa nagdaan na si Karina at sa sobrang gutom nahimay ang pusa. At ayon ang istorya nun.hehe)
Balik sa totoong buhay ng istorya. Nagpatuloy sa paglalakad si Karina. Napagod at nagutom siya sa pakikipagtitigan kaya tumigil muna siya sa tindahan ni Aling Nena. Bumili siya ng isang litrong mineral water at isang paketeng Marie biscuit. Sa sobrang gutom niya naubos niya ito sa loob ng limang minuto. Pang-guiness. Future title holder ito. Sino ng ba talaga si Karina? Babae ba talaga siya o lalaki? May kapangyarihan ba talaga siya o wala? Gusto mo na bang malaman ang mga sagot sa mga katanungang ito. Kung interesado ka hayaan mo lang ipagpatuloy ang pagbababasa nito kung ayaw mo naman hintayin mo nalang ang ‘red card’ (you’ll be dead, F4). O isip na, meron kang isang segundo. Tagal mo…ikukwento ko na.
Si Karina ay lumaki sa isang lugar kung saan normal naman ang lahat. Normal naman ang kaniyang lolo, lola, ama, ina, kapatid, pinsan, pamangkin, kaibigan, kasambahay, kapit-bahay, at kalayong-bahay. Si Karina ay bunso sa tatlong magkakapatid at nag-iisang anak ni Mang Andres at Manang Karmen. Lumaki si kapaligiran na puro lalaki kaya nagging kilos lalaki narin siya ng konti. Konti pa lang naman. Siya ang kilabot ng Barangay Lambot. Medyo siga kung maglakad at kung manamit naman ay pantalon at simpleng t-shirt lang. Simula pa lang ng pagkabata hilig na niya ang maglaro ng holen, robot at magpatakbo ng maliliit na sasakyan. Nasanay siya sa mabilisan at madamihang pagkain ngunit hindi naman siya tumataba. Mahilig si karina sa mga bagay na kakaiba. Si Karina ay 20 taong gulang at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang fast-food chain. Katulad nga sinabi ko kanina wala naman talagang kapangyarihan si Karina, nagkataon lang na nakasalubong niya ang pusang maitim, adik at wala sa sarili lalo na kung gutom. At dyan natatapos ang kwento. Hanggang dito nalang ha…paalam.
Isang paalala: Mag-ingat sa pusang adik. :)
Posted By: Joema M. Magsino
AB Comm 2-1
Thursday, July 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
syempre maganda!
ako gumawa ia.
hahaha!
(nagcomment sa sarili!wahaha!!)
gurls and guys, ladies and gentlemen, boys and girls, men and women, sir and ma'am, father and mother, sister and brother, tito and tito, lola and lolo, cousins and friends, YOU..
pls. comment on my blog.. haha!
i appreciate so much..
thanks!!
godbless..
hehe.^^.
Post a Comment